*HAWAKAN MO AKO | Awit ng Pagtitiwala feat. Sister Felie* Ang simpleng pagsisimula namin sa paggawa ng AI-assisted worship music ay unti-unting nagiging isang hakbang ng pananampalataya para sa aming munting ministry. Sa biyaya ng Diyos, patuloy kaming natututong maghandog ng mas personal at taos-pusong papuri para sa Kanya. *Ngayon, ikinagagalak naming ipakilala ang aming kapatid kay Cristo mula sa aming Word of Grace Worship Center (WGWC) church family, si Sister Felie, sa kaniyang taos-pusong pag-awit ng kantang ‘Hawakan Mo Ako.’* Ang awiting ito ay isang panalangin para sa mga pagod, nag-aalala, nasasaktan, at naghihintay sa lakas at pag-alalay ng Panginoon. Inawit ito nang may pananampalataya, katapatan, at pusong sumasamba para sa kaluwalhatian ni Jesus. Dalangin namin na sa bawat makakarinig ng awiting ito, ay maramdaman ninyo ang kapayapaan at pagyakap ng Diyos sa gitna ng anumang pinagdaraanan ninyo. Maraming salamat sa pagsuporta sa aming munting worship ministry journey. Nawa’y maging pagpapala at paalala ang awiting ito na hindi tayo kailanman bibitiwan ng Panginoon. — Eternal Chronicles #HawakanMoAko #TagalogWorship #AwitPagsamba #ChristianMusic #PraiseAndWorship #Jesus #Pananampalataya #WorshipMinistry #EchoesBeyondWorship